Tuesday, January 20, 2015

MAGKANO ang PAG-IBIG?


Pag-ibig daw ang syang nagbubuklod sa isang relasyon upang ito'y tatagal. Sa isang pamayanan, ang pagbubuklod o pagkakaisa ay ang siyang laging minimithi. Kung sa gayon, bakit hindi nalang bilhin ang pag-ibig upang ang katiwasayan ay maging posibilidad sa lahat. Napakasariwa pa lang ang isang pangyayari na kung saan sinabi ng Mahal na Santo Papa sa kanyang homiliya na, "DO YOU LOVE ME?" Bago pa man malalaman ng isang tao kung gaano siya kamahal ng kanyang sinisinta ay kailangan nya munang magtanong. MAHAL MO BA AKO? Sa katanungang ito, may mga sagot na dapat na mamutawi sa bibig ng taong tinatanong. Ang iba ay sasagot ng OO o kaya HINDI. Sa paraan na ito, ang pagsagot ay nababase sa bawat paniniwala at pakiramdam ng bawat tao. May maging masaya at malulungkot sa bawat sagot na maririnig. Dahil hangad ng bawat tao ang pagkakaisa, kailangan niyang umibig. Maraming makapagsasabi kung ano talaga ang pag-ibig. Marami din ang gagawa ng paraan para ipagsigawan kung totoo o hindi ang pag-ibig. Ang pinakamahalaga sa lahat ay alam ng bawat isa kung ano ang pag-ibig.




No comments: